GMA Logo Lolong Season 2
What's on TV

'Lolong: Bayani ng Bayan,' nagsimula na ng taping

By Marah Ruiz
Published November 13, 2024 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong Season 2


Nagsimula na ang taping ng 'Lolong: Bayani ng Bayan' kasama sina Ruru Madrid, Martin del Rosario, Paul Salas, at Shaira Diaz.

Sumalang na sa unang araw ng taping ang cast ng upcoming series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Nagsimula na ng taping sina primetime action hero Ruru Madrid, pati na co-stars na sina Martin del Rosario, Paul Salas, at Shaira Diaz para sa pangalawang season ng dambuhalang adventure serye na Lolong.

Nagpapatuloy dito ang kuwento ni Lolong at ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa tahimik na bayan ng Tumahan.

Kasama ang dambuhalang buwaya na si Dakila, sisikapin ni Lolong na panatiliin ang kapayapaan sa Tumahan, lalo na sa pagitan ng mga tao at ng mga Atubaw--ang lahing kinabibilangan niya.

Pero isang matinding kalaban ang mananatiling nakatago mula sa mga mata ng taumbayan habang unti-unting ipinaparamdam ang kanyang kapangyarihan.

Abangan sila sa dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.

Balikan ang unang season ng Lolong dito: