
Narito ang isang pagkakataon na makilala ang cast ng upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Sa pangunguna ng bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid, bibisita ang cast ng serye sa Quantum Skyview sa Gateway Mall 2 sa January 13, 2:00 p.m.
Ibabahagi nila rito ang mga dapat abangan sa exciting na pangalawang season ng kanilang serye.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan na pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong.
Muling bigyang-buhay ni Ruru Madrid ang kuwento ni Lolong at ng mga Atubaw-lahi ng mga tao na may malalim na koneksiyon sa mga buwaya.
Gamit ang kaniyang kakaibang mga kakayanan tulad ng pambihirang lakas at mabilis na pagpapagaling sa sarili, poprotektahan niya ang bayan ng Tumahan.
Kasama pa rin niya ang kaibigan niyang si Dakila, isang dambuhalang buwaya.
SILIPIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MASAYANG PICTORIAL SHOOT NG LOLONG: BAYANI NG BAYAN DITO:
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong