
Aminadong nakakaramdam ng pressure si primetime action hero Ruru Madrid sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Naging matagumpay kasi ang unang season ng serye na hinirang pa bilang 2022's most watched TV show kaya umaasa si Ruru na ganito rin ang maging pagtanggap ng mga manonood sa ikalawang season nito.
"'Yung pressure kasi, hindi naman nawawala in every project na gagawin natin. For me, 'yun 'yung gusto ko laging pakiramdam. Hindi pressure sa kumpetisyon or kung ano man, kumbaga, pressure na makagawa ka ng isang programang tatatak sa puso ng sambayanang Pilipino," pahayag ni Ruru sa media conference ng serye.
"'Yun 'yun lagi kong gustong pakiramdam dahil ayoko rin na makampante ka, hindi mo na pag-iigihan 'yung mga ginagawa mo. Dapat laging kasama 'yun sa bawat proyektong gagawin natin," dagdag pa niya.
Itinuturing ni Ruru ang Lolong bilang proyektong bumago sa buhay niya kaya marami talaga siyang mga aral na napulot mula dito.
Panibong learning experience din daw para sa kanya ang pagpapatuloy ng taping ng pangalawang season ng serye.
"Ang pinaka natutunan ko dito, hindi lang sa pagiging isang aktor na gumaganap bilang si Lolong, kundi bilang isang tao-- hindi mo kailangan magkaroon ng super powers para maging isa kang bayani. Basta nakakatulong ka sa iyong kapwa, sa iyong pamilya, nakakapagbigay ka ng inspirasyon sa maraming mga tao, bayani ka na. 'Yun 'yung dadalhin ko habang buhay sa paggawa nitong programang 'to," lahad niya.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong