GMA Logo Lolong Bayani ng Bayan
Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)
What's on TV

'Lolong: Bayani ng Bayan,' lakas at puso ng kuwentong sariling atin

By Marah Ruiz
Published January 15, 2025 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Former Nueva Ecija Mayor nabbed in buy-bust
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong Bayani ng Bayan


Ipapakita ng 'Lolong: Bayani ng Bayan' ang lakas at puso ng isang kuwentong sa puso ng mga Pilipino.

Isang kuwentong tatatak sa puso ng mga Pilipino ang tampok sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Magbabalik dito si primetime action hero Ruru Madrid para muling bigyang-buhay ang kuwento ni Lolong at ng bayan ng Tumahan.

Ipapamalas niya ang lakas na 'di mapapantayan sa patuloy niyang pagprotekta sa kanyang komunidad mula sa masasamang elemento.



Bilang ang masked hero na si Bangkil, gagamitin niya ang pambihirang lakas bilang isang Atubaw para labanan ang mga kriminal na mangugulo sa kanilang bayan.

Pero may mas malaking panganib ang naghihintay para kay Lolong at sa mga Atubaw ng Tumahan.

Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)



Buti na lang, walang inuurungan ang puso ni Lolong sa pagharap sa lahat ng pagsubok para mapanatiling masaya at ligtas ang mga mahal niya sa buhay.

Isang malagim na trahedya ang sasapit sa araw ng kanyang kasal.



Para mailigtas ang pinakamamahal niyang si Elsie (Shaira Diaz), kailangan niyang sundin ang kanyang puso para mahanap ang Ubtao, ang sagradong hiyas ng mga Atubaw na may kakayanang makapagpagaling ng iba't ibang karamdaman.

Pinag-isa ang lakas at puso sa Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.