GMA Logo Ruru Madrid and Shaira Diaz
What's on TV

Shaira Diaz, binigyan si Ruru Madrid ng ng payo sa pag-ibig

By Marah Ruiz
Published January 16, 2025 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Shaira Diaz


Nagbigay si Shaira Diaz ng payo tungkol sa pag-ibig sa kanyang 'Lolong: Bayani ng Bayan' co-star na si Ruru Madrid.

Muling magtatambal ang kapwa Kapuso stars at mabuting magkaibigan na sina primetime action hero Ruru Madrid at Morning Sunshine Shaira Diaz sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Magbabalik sila sa pangalawang season ng Lolong bilang ang magkababatang sina Lolong at Elsie na ngayon ay engaged na.


Hindi naman ito nalalayo sa tunay na buhay ni Shaira dahil engaged na rin siya sa kanyang longtime boyfriend na si Kapuso actor EA Guzman.

"'Yung lugar, sa bandang Silang, para po tahimik, away from the noise. Church wedding po ito, my dream wedding. Very intimate lang po, close friends and family," bahagi ng aktres tungkol sa napipinto niyang kasal.

Nagbigay din si Shaira ng love advice para kay Ruru na nasa isang long-term relationship kay Kapuso actress Bianca Umali.

"Lagi kang makikinig sa gusto ni Bianca. 'Wag mo nang tanungin kung bakit," lahad niya.

"Simula noon pa. Simula noon, hanggang ngayon!" natatawang reaksiyon ni Ruru.

"Siyempre communication, pagiging honest, be open, transparent, respect. 'Yun 'yung tatlo para sa akin. At siyempre, 'wag mo nang kontrahin si Bianca," pagpapatuloy ni Shaira.

Samantala, magbubukas ang Lolong: Bayani ng Bayan sa kasalan nina Lolong at Elsie. Pero imbis na maging masayang okasyon ito para sa kanila at kanilang mga mahal sa buhay, mauuwi ito sa isang malagim na pangyayari.

KILALANIN ANG IBA PANG MGA ARTISTANG MAKAKSAMA NI RURU MADRID SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN DITO:



Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.