GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, ibibida ang Filipino martial arts sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published January 17, 2025 10:08 AM PHT
Updated January 20, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
Saudi-backed head of Yemen's presidential council tells UAE to leave
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ibibida ni Ruru Madrid ang iba't ibang klase ng Filipino martial arts sa 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Tampok ang ganda at bagsik ng Filipino martials arts sa upcoming action adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Excited na ang bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid na ipamalas ito sa mga manonod.

"Yes, nakipag-partner po kami with Lakan Ronnie Royce Base. Mayroon po siyang binuo na system which is 'yung Laraw Kali Pamuok ng Filipino Martial Arts," paliwanag ni Ruru.


Masaya daw siya na magkakaroon ng pagkakataon ang mga manonood na ma-introduce sa martial arts na tatak-Pinoy.

"Usually sa atin, kapag tinanong mo sa tao, 'Ano 'yung martial arts mo?' laging sinasabi boxing, or muay thai. So ako naman, hindi ko naman sinasabing mali, pero for me, sana, mas mahalin natin 'yung sariling atin," lahad niya.

Ipinamalas pa niya ang ilang moves nito sa pagbisita niya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

"Ang kagandahan po dito sa Laraw Kali Pamuok, with or without the weapon, puwede mo pa rin siyang gamitin," paliwanag ni Ruru.


Handog daw niya ang programa para sa mga karaniwang Pilipino na maituturing na mga bayani dahil sa pagsisikap ng mga ito para sa kanilang pamilya.

"Mga Kapuso, muli po, Lolong, January 20 na, after 24 Oras. Para po sa inyo ang programang ito. Para po sa lahat ng ordinaryong Pilipino na lumalaban sa bawat pagsubok sa araw-araw. Para po sa inyo ito. Sana po magustuhan niyo," pag-imbita niya.

SILIPIN ANG PAGHAHANDA NI RURU MADRID, KASAMA SINA MARTIN DEL ROSARIO AT PAUL SALAS PARA SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:



Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.



May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.