
Mapapanood ang beauty queen at actress na si Michelle Dee sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Gaganap siya dito bilang Apong Ayo, isang mahalagang pigura sa lahi ng mga Atubaw.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang ilang behind-the-scenes photos and videos niya mula sa set.
Kasama niya dito ang bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid na gaganap naman bilang si Lolong.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan ang pangalawang season ng dambuhalang adventure serye na Lolong.
Nagpapatuloy dito ang kuwento ni Lolong at ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa tahimik na bayan ng Tumahan.
Kasama ang dambuhalang buwaya na si Dakila, sisikapin ni Lolong na panatiliin ang kapayapaan sa Tumahan, lalo na sa pagitan ng mga tao at ng mga Atubaw--ang lahing kinabibilangan niya.
Pero isang matinding kalaban ang mananatiling nakatago mula sa mga mata ng taumbayan habang unti-unting ipinaparamdam ang kanyang kapangyarihan.
Kaakibat nito ang isa pang nagbabadyang panganib dahil mawawala sa pangangalaga ng mga Atubaw ang Ubtao, isang hiyas na sagrado sa kanilang lahi at may kakayanang makapagpagaling ng iba't ibang mga karamdaman.
NARITO ANG SNEAK PEEK SA MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, simula January 20, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.