GMA Logo Paul Salas
What's on TV

Paul Salas, nagpakitang gilas sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published January 21, 2025 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Nagpakitang-gilas si Paul Salas sa action scenes ng 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Walang tigil ang bakbakan sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Hitik na hitik sa aksyon ang unang episode ng serye kung saan agad na napanood ang panggugulo ng ilang armadong kalalakihan sa isang kasal.

Isa si Kapuso actor Paul Salas sa agad na napasabak sa fight scenes kasama ang bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid.

Ayon kay Paul, nais nilang mag-level up sa action scenes na ipapakita nila sa pangalawang season ng kanilang serye kaya lubos nila itong pinaghandaan.

Ipinapagpatuloy niya hanggang ngayon ang pagkukundisyon ng kanyang katawan.

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

Ipinasilip din ng aktor ang ilang mga dapat abangan mula sa karakter niyang si Martin.

Kabilang dito ang behind-the-scenes photos at videos nila ni Ruru sa kasalang nauwi sa gulo.

Makikita din dito ang upcoming fight scene nila ng co-star at kapwa Kapuso na si Rodjun Cruz.

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

Sa unang episode ng Lolong: Bayani ng Bayan, nakilala na ang bagong katauhan ni Lolong bilang Bangkil, ang masked hero ng Tumahan.

Isang bagong panganib ang haharapin ng mga Atubaw na kalahi niya dahil sa pandurukot sa mga ito ng mga armadong lalaki.

Nasilip na rin sa pilot episode ng kasal ni Lolong na mauuwi sa kapahamakan ni Elsie (Shaira Diaz).

SILIPIN ANG FILIPINO MARTIAL ARTS TRAINING NINA RURU MADRID, MARTIN DEL ROSARIO, AT PAUL SALAS PARA SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.