What's on TV

Rodjun Cruz, excited nang ipakilala ang kanyang karakter sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published January 24, 2025 4:40 PM PHT
Updated January 24, 2025 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cavaliers snap Suns' 4-game win streak behind Donovan Mitchell's 34
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz in Lolong Bayani ng Bayan


Isa si Rodjun Cruz sa mga bagong adisyon sa 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Kabilang si Kapuso dancer and actor Rodjun Cruz ng mga bagong adisyon sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Excited na si Rodjun Cruz na ipakilala ang karakter niyang si Bungo sa season two ng serye.

Nagbahagi ni Rodjun in ilang pictures niya bilang si Bungo. Makikita ditong may hawak siyang mga armas at tila laging handang makipaglaban.

"Let's go Bungo!💀🔥🐊👊🏼🎉 Isa sa bagong Karakter na aabangan niyo sa Lolong 2!"

Isang rebelding Atubaw si Bungo na kasama sa paksiyon ng mga Atubaw na lalaban para ipaghiganti ang kanilang lahi.

Magiging kaaway o kakampi kaya siya ng karakter ni primetime action hero Ruru Madrid na si Lolong, ang bida ng serye.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:

Alamin 'yan sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.