GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, sumabak sa underwater scenes sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published February 3, 2025 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Sumabak si Ruru Madrid sa ilang underwater scenes sa 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Tila nasubukan si primetime action hero Ruru Madrid sa ng lahat ng elemento sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Bukod kasi sa mga fight scenes kasama ang kanyang mga co-stars, nariyan din ang pagtakbo niya mula sa mga pagsabog at apoy.

Ngayon naman, napasabak si Ruru sa underwater scenes kung saan kinailangan niyang sumisid at lumangoy nang paulit ulit.

Para mapanatili ang kanyang kaligstaan, ginawa ng eksena sa isang swimming pool at kinunan ito gamit ang isang underwater camera.




Sa Lolong: Bayani ng Bayan, sisisid ang karakter ni Ruru na si Lolong patungo sa kuweba sa ilalim ng Isla Pangil kung saan nakatago ang Ubtao.


Ito ang sagradong hiyas ng mga Atubaw na nakakapagpagaling ng iba't ibang mga karamdaman, maging Atubaw man o karaniwang tao.

Lalabanan niya ang matiding agos at kakapusan ng hininga sa pag-asang magamit ang hiyas para iligtas ang buhay ng asawa niyang si Elsie (Shaira Diaz).



NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:



Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.