GMA Logo Ruru Madrid
Image Source: gmapublicaffairs (Instagram)
What's on TV

Ruru Madrid ibinida ang upcoming action-packed scenes sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published February 11, 2025 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali: (Part 2) December 8, 2025
First Ilongga to represent PH in track cycling set for SEA Games in Thailand
EA Guzman and Shaira Diaz take the next step as they plan for a baby

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ibinahagi ni Ruru Madrid ang mga paparating na eksena sa 'Lolong: Bayani ng Bayan' na kagigiliwan ng mga manonood.

Lalong gumaganda ang kuwento ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Sa ikaapat na linggo nito, darating na ang oras ng paniningil.

Image Source: gmapublicaffairs and gmanetwork (Instagram)

Aatakihin ng Atubaw na si Nando (Nonie Buencamino) at ng mas pinalakas niyang puwersa ang isang pagtitipon para puntiryahin si Julio (John Arcilla), ang taong dumukot, nagpahirap, at nag-eksperimento sa mga Atubaw.

Dahil dito, makakaharap ni Lolong (Ruru Madrid) sa labanan ang sarili niyang lolo.

Hindi niya batid kung ano'ng ipinaglalaban nito sa ngayon at ang tangi lang niyang layunin ay mabawi mula kay Nando ang Ubtao, ang sagradong hiyas ng kanilang lahi.

"Oras na ng paniningil ng mga rebeldeng Atubaw. Abangan po natin kung paano sila maglalaban-laban. This week, mapupuno po ito ng aksiyon," pahayag ni Ruru.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN':

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video.