GMA Logo Mikay ng ToRo family
Source: Ruru Madrid (FB) & MOMMY TONI FOWLER (YT)
What's on TV

Mikay ng 'ToRo' family, naiyak nang malamang makakasama sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Aedrianne Acar
Published February 17, 2025 2:29 PM PHT
Updated February 19, 2025 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Mikay ng ToRo family


Payo ni Toni Fowler kay Mikay: "Basta 'wag kang sasama sa mga fine dining restaurant ha!"

Emosyonal si Mikay ng ToRo Family (o Micaela Marcelo sa tunay na buhay) nang opsiyal na ipaalam sa kaniya na magiging parte siya ng higanteng GMA Prime series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Sa latest vlog ng content creator na si Toni Fowler na na-upload nitong February 15, makikita na naluluha si Mikay kasama si Toni dahil noon lang daw nagsi-sink in sa kaniya na nabigyan siya ng ganitong opportunity.

Hirit ni Toni, “Oh My God, artista ka na Miks. [I'm] so proud of you. [laughs] Wala pa ngang taping.”

Sabat ni Mikay, “Never ko 'tong inexpect Oh My God, naiiyak ako.”

Pinayuhan naman ni Mommy Oni si Miks: “[Bleeps] kayanin mo ah! Sinasabi ko sa 'yo.

“Kayanin mo, matuto ka makisama. Oh My God, Mik-mik congrats ngayon pa lang. Mag-manifest tayo, baka magulat na lang tayo ikaw na papalit kay Ruru Madrid.

Sabay biro pa niya, “Ikaw na mismo 'yung bida, tutal mukha ka namang pang-action star.”

Mikay ng ToRo family

Source: MOMMY TONI FOWLER (YT)

Nang dumating na ang araw ng taping niya para sa Lolong, umamin si Mikay na grabe ang naramdaman niyang kaba.

Aniya, “Ito na! Umagang-umaga pero 'yung kaba ko walang paglagyan. Naalala ko nun na sinasamahan ko lang si Tunyang (Toni Fowler) ko sa mga taping niya.

“Pero ngayon, ako na 'yung magte-taping. Sa totoo lang gusto ko gawing PA si Tunyang ko e. Kasi, dati ako 'yung nag-assist sa kaniya.”

Alamin ang mga nangyari nang makita ni Mikay si Ruru Madrid sa set ng Lolong sa video below.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN':

Walang bibitaw sa matitinding eksena sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.