GMA Logo Waynona Collings and John Clifford
What's on TV

John Clifford at Waynona Collings, malapit nang magkita sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

By Marah Ruiz
Published February 20, 2025 5:17 PM PHT
Updated February 21, 2025 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH: 2 dead, over 260 hurt in motorcycle crashes amid Christmas 2025 rush
PDLs reunite with families on Christmas Day
Kavi On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Waynona Collings and John Clifford


Malapit nang magkita ang mga karakter nina John Clifford at Waynona Collings sa 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

May bagong kakikiligan gabi-gabi sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Nakilala na natin nang magkahiwalay ang mga karakter ng young Sparkle stars na sina John Clifford at Waynona Collings.


Napatawa tayo ni John bilang Ricky, ang pilyo pero matalinong kapatid ng pulis na si Bokyo (Mikoy Morales).

Napaluha naman tayo ni Waynona bilang Rain, ang anak ni Julio (John Arcilla) na pinagbabawalang lumabas ng bahay dahil sa malubhang sakit.

Malapit nang magkita at magkakilala sina Ricky at Rain sa susunod na mga episodes ng Lolong: Bayani ng Bayan.

Matutulungan ba ni Ricky si Rain na maranasan ang buhay ng isang normal na teenager?

Narito ang sneak peek sa mga eksena nina John Clifford at Waynona Collings sa Lolong: Bayani ng Bayan.



Samantala, sa ika-limang linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, makakalaban ni Lolong (Ruru Madrid) ang lolo niyang si Nando (Nonie Buencamino) dahil nakuha nito ang sagradong hiyas na Ubtao.

Alam na rin ni Julio ang kapangyarihan nito kay sisikapin niyang makuha ito para gamutin ang kanyang anak.

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN':

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.