
Isa si Mikay ng ToRo Family sa mga most-awaited na guest stars ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Ngayong gabi, mapapanood at makikilala na ang karakter niya sa serye na si Gemma.
Si Gemma ang kasintahan ni Hector (Juancho Trivino), ang abusadong manager sa restaurant na dating pinagtatrabahuhan ni Lolong (Ruru Madrid).
Dahil mahilig sa pera si Gemma, tila magkakaroon sila ni Hector ng masamang balak kay Chona (Tanya Gomez) na may-ari ng isang niyugan at pagawaan ng suka sa Tumahan.
Samantala, sa ika-anim na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, masusubukan ang tiwala ni Lolong sa mga tao sa paligid niya.
Photo: gmapublicaffairs (Instagram)
Isisiwalat ni Nando (Nonie Buencamino) sa kanya ang tunay na kulay ng kilalalang negosyante at philantropist na si Julio (John Arcilla).
Kasabwat na rin ni Julio ang pinagkakatiwalaang ni Lolong na si Mayor Flavio (Rocco Nacino).
Kanino ba dapat kumapi si Lolong?
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.