
Reunited ang magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina primetime action hero Ruru Madrid at Jon Lucas sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Nagkatrabaho sila sa full action series na Black Rider na pinagbidahan din si Ruru at si Jon gumanap bilang pangunahing kontrabida. Sa seryeng ito rin lumalim ang kanilang pagkakaibigan.
Muli silang magtutuos on-screen dahil papasok si Jon bilang isa sa mga bagong karkater sa Lolong: Bayani ng Bayan.
Gaganap siya bilang Lizardo, isang fighter na sabak sa sabungan ng mga Atubaw.
Mapapanood rin ngayong linggo ang paglaya ni Dona Banson, played by Jean Garcia. Dadalhin niya sa labas ng kulungan ang kanyang katauhan bilang religious leader na kung tawagin ay "Banal na Ina."
Magbabalik na rin sa Tumahan si Dolores--karakter ni Maui Taylor--na laging handang tumulong kay Dona.
Ano ang panibagong gulo na dadalhin nila sa buhay ni Lolong?
Sa ika-pitong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, susugod si Lolong (Ruru Madrid) sa underground fighting arena ni Julio (John Arcilla).
Makikita na ba niya dito ang sinapit ng mga kapwa niya Atubaw?
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.