GMA Logo Tanong ni Lolong promo
What's on TV

Manood at manalo ng cash sa 'Tanong ni Lolong' promo

By Marah Ruiz
Published March 4, 2025 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Tanong ni Lolong promo


Manood ng 'Lolong: Bayani ng Bayan' at magkaroon ng chance para manalo ng cash sa "Tanong ni Lolong" promo.

Maaari kang manalo ng cash sa pamamagitan lamang ng panonood ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Sa "Tanong ni Lolong" promo, maaaring manalo ng P3,000 ang sampung viewers kada linggo.

Mag-selfie lang habang nanonood ng Lolong: Bayani ng Bayan sa GMA o sa GTV. Siguraduhin lang na kita ang logo ng GMA o GTV sa inyong picture.

Hintayin ang paglabas ng daily question sa episode ng programa. Tanging sa telebisyon lang makikita ang tanong at wala ito online.

Pumunta sa official Facebook page ng GMA Public Affairs para makita ang link kung saan maaaring ipadala ang entries na binubuo ng selfie, sagot sa tanong, pati na mga detalye tulad ng inyong buong pangalan, email address, contact number, at birthday.

Tingnan kung may blue check ang Facebook account na pupuntahan para makasiguradong tama ang account na pinuntahan.

Bukas ang contest para sa manonood ng Lolong: Bayani ng Bayan na Filipino citizens at may edad na 18, pataas.

Para sa full mechanics ng "Tanong ni Lolong" promo, bumista sa www.GMANetwork.com/TanongNiLolong

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-216617 Series of 2025

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.