GMA Logo Ruru Madrid new look for lolong
What's on TV

Ruru Madrid, muling nagbago ng look para sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published March 25, 2025 3:58 PM PHT
Updated March 25, 2025 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid new look for lolong


May panibagong look muli si Ruru Madrid para sa pagpapatuloy ng pangalawang season ng 'Lolong.'

Bago na naman ang look ni primetime action hero Ruru Madrid!

Kasabay 'yan ng malaking pagbabago sa pinagbibidahan niyang pangalawang season ng primetime series na Lolong.

Sa pagpapatuloy ng kuwento nito, susugod na ang karakter ni Ruru na si Lolong sa Maynila.

Kasama rin niya dito ang loyal niyang kaibigan na si Dakila.

Makikilala nila sa siyudad ng ilang makukulay na karakter tulad ng isang big time na boss, bruskong bad boy, bibo kid, at marami pang iba.

Dahil malaki ang pagbabago sa buhay ni Lolong, gusto rin ni Ruru na magbago ang look nito.

"Kailangan natin ng medyo drastic change. Mas magiging medyo brutal. Dapat mapa-wow ang audience," paliwanag ni Ruru sa kanyang barbero na si James Florencondia.

"So for me, kailangan nating ma-keep 'yung pagka-angas but at the same time, mukha pa rin siyang malinis," dagdag pa ng aktor.

Matatandaang si James din ang gumupit kay Ruru para look niya sa award-winning film na Green Bones.

Ngayon naman, dumayo pa ito sa set ng Lolong para sa bagyong hairstyle at transformation ni Ruru.

"So gagawin natin bro, medyo versatile na hairstyle na puwedeng maging kargador and then pwedeng maging assassin or henchman. Texture natin 'yung top, medyo messy siya. Gawin nating tight itong side. Since flat 'yung back mo, gawin kong medyo short itong lower part. Itong [gitna], makapal," paliwanag naman ni James tungkol sa plano niya para kay Ruru.

Pagkatapos magupitan, nag-pose pa aktor suot ng all-black outfit, shades, at gun holsters.

A post shared by James Florencondia (@fcvndo)

Abangan ang mas matalas na pangil na hustisya sa pagpapatuloy ng pangalawang season ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.