What's on TV

Simula na ng bagong buhay sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published March 27, 2025 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Metro Manila, Luzon to have cloudy skies, light rains on Christmas Eve
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Mapapadpad na sa siyudad si Lolong. Abangan ang simula ng bago niyang buhay sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Magsisimula nga ngayong araw, March 27, ang bagyong yugto ng primetime series na Lolong.

Sa pagpapatuloy ng pangalawang season ng programa, tatawagin na itong Lolong: Pangil ng Maynila.

Matapos ang pagkawala ng ilang mahal niya sa buhay, lilisanin ni Lolong (Ruru Madrid) ang Tumahan at mapapadpad siya sa Maynila.

Agad niyang mararamdaman na ang kaibahan ng bagong mundong ito mula sa kinalakihang bayan sa probinsiya.

Mas malupit ang mga taong makakasalamuha niya pero wala na siyang uurungan!

Sa unang salta niya sa siyudad, ililigtas siya ng tinderang si Lola Grasya (Tessie Tomas).

Makursunadahan din siya ng notorious na siga at basagulerong si Goryo (Yasser Marta) pero ililigtas naman siya ni Manuel (Rowell Santiago), big boss na may ari ng ilang fishing boats sa Navotas.

Ano pa ang mga pagsubok na haharapin ni Lolong sa bago niyang buhay?

Abangan ang mas matalas na pangil na hustisya sa bagong yugtong Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.