GMA Logo Ruru Madrid
Photo: rurumadrid8/Instagram
What's on TV

Ruru Madrid, nagbigay ng update sa kanyang hamstring injury

By Marah Ruiz
Published April 3, 2025 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Nakuha na ni Ruru Madrid ang resulta ng iba pang tests sa kanyang hamstring injury.

Nagbigay ng update si primetime action hero Ruru Madrid tungkol sa injury na natamo niya sa action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Matatandaang bumigay ang binti ni Ruru habang nagte-taping ng isang eksena para sa serye. Agad siyang sinugod sa ospital kung saan sumailalim siya ng MRI.

Photo: rurumadrid8/Instagram

Kumpirmadong na-strain ang hamstring muscle ni Ruru at ngayon, lumabas na ang iba pang tests at natukoy na kung gaano kalaki ang pinsalang tinamo niya.

Ibinahagi niya ang balita sa kanyang official Facebook page.

"Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at pag-aalala. 🙏 Sa awa ng Diyos, lumabas na po ang resulta kanina--Grade 1 and 2 strain lang po, ibig sabihin ay 2-3 weeks lang ang recovery at may partial tear lang. To God be the glory! Magbabalik po ako nang mas mabilis! 🙏♥️," sulat niya.

Ayon sa Physiopedia, itinuring na grade 1 strain ang isang injury kung may napunit na ilang fibers sa muscle, habang grade 2 strain naman ito kapag umabot nang halos kalahati ang fibers na napunit sa muscle.

Samantala, patuloy na panoorin si Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.