GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, gaganap bilang special agent sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published April 11, 2025 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM dismisses cop over sexually suggestive content on social media
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Napasabak ni Ashley Ortega sa action scenes sa role niya bilang special agent sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Mapapanood na si ex-PBB housemate Ashley Ortega sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Gaganap siya dito bilang Tony, isang Special Investigations Unit agent.


Dahil sa kanyang role bilang alagad ng batas, sumalang kaagad si Ashley sa matitinding action scenes.

"Sana abangan nila kasi actually kakaiba na naman 'yung character ko dito. Napasabak po ako sa action so may mga baril-barilan, may mga fight scenes. Abangan nila ko doon! Sana matanggap ako ng tao na nagfa-fight scene, pero I'm so happy kasi gusto ko rin po talaga gumawa ng action," lahas ng actress sa interview niya sa 24 Oras.


Pagkakataon rin ito para kay Ashley na muling makatrabaho si primetime action hero Ruru Madrid na isa sa mga kasabayan niya sa showbiz.

"I'm happy na I got to work with him again. Ang huling beses ko kasi siyang nakatrabaho parang My Destiny pa. Si Ruru din kasi 'yung isa sa mga artistang nakasama ko noong kaka-start ko lang din sa showbiz. It's nice to work with him again as adults na," bahagi ni Ashley.

Bakit napadpad si Agent Tony sa lugar nina Lolong (Ruru Madrid)? Ano ang iniimbestigahan niya dito?



Abangan si Ashley Ortega sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.