
Ipinagdiwang ni Kapuso actress Shaira Diaz ang kanyang kaarawan noong May 3.
Sa set ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila na inabutan ni Shaira ang kanyang 30th birthday.
Dahil dito, minarapat ng produksiyon ng serye na bigyan ng simpleng birthday surprise si Shaira.
Sa pangunguna ng isa sa series directors na si direk Rommel Penesa, sinorpresa ng staff at crew ang aktres ng cake at kinantahan pa nila ito ng "Happy Birthday."
Pinasalamatan ni Shaira ang mga well-wishers at bumulong ng maikling dasal bago hinipan ang kandila sa cake.
SILIPIN ANG SPECIAL 3OTH BIRTHDAY SHOOT NI SHAIRA DIAZ DITO:
Sa ika-16 linggo ng Lolong: Pangil ng Maynila, unti-unti nang bumabalik ang mga alaala ng karakter ni Shaira na si Elsie.
Malapit na bang muling mabuo ang pamilya nila ni Lolong, kasama ang kambal nilang mga anak?
Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.