What's on TV

Manood at manalo ng Php100K sa 'Grand Raffle ni Lolong' promo

By Marah Ruiz
Published May 9, 2025 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 30, 2025
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Grand Raffle ni Lolong promo


Manood ng 'Lolong: Pangil ng Maynila' at magkaroon ng chance para manalo ng Php 100,000 sa "Grand Raffle ni Lolong" promo.

Maaari kang manalo ng cash sa pamamagitan lamang ng panonood ng action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Sa "Grand Raffle ni Lolong" promo, maaaring manalo ng Php 100,000 ang isang masuwerteng viewer.

Mag-selfie lang habang nanonood ng Lolong: Pangil ng Maynila sa GMA. Siguraduhin na kita nang buo ang logo ng GMA at ang hashtag of the day sa inyong picture.

Ang isang selfie ay katumbas ng isang raffle entry kaya kung mas maraming selfies, mas marami rin ang pagkakataong manalo.

Puwedeng magpasa ng entries mula 8:00 p.m. hanggang 11:00 p.m.

Tatanggapin ang selfie raffle entries hanggang June 13, 2025 at gaganapin naman ang grand raffle sa June 19, 2025.

Pumunta sa official Facebook page ng GMA Public Affairs para makita ang link kung saan maaaring ipadala ang entries na binubuo ng selfie at mga detalye tulad ng inyong buong pangalan, email address, contact number, at birthday.

Tingnan kung may blue check ang Facebook account para makasiguradong tama ang page na pinuntahan.

Bukas ang contest para sa manonood ng Lolong: Pangil ng Maynila na Filipino citizens at may edad na 18, pataas.

Para sa full mechanics ng "Tanong ni Lolong" promo, bumisita sa www.GMANetwork.com/GrandRaffleNiLolong

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-223835 Series of 2025

Patuloy na tumutok sa action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.