
Patuloy pa rin ang taping ng mabibigat na eksena para sa primetime action series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Sa gitna nito, may mga funny behind-the-scenes moments pa rin nagpapanatiling magaan ang pakiramdam ng cast at crew sa set.
Isa na diyan ang engkuwentro ng aktres na si Jean Garcia sa mga gamugamo habang naghihintay sa susunod niyang mga eksena.
Ibinahagi ni Jean ang isang maikling video kung saan makikita siyang nagtatakip ng tenga at ginagamit ang isang throw pillow para bugawin ang mga gamugamu na lumalapit sa kanya.
"Ang GAMOGAMO…bow 😜
"Ayoko sa inyo, lumayooo kayooo sa akin, pleaaasseee!!!" sulat niya sa Instagram.
Ayon sa aktres, natatakot man siya sa mga insektong ito, hindi siya makasigaw dahil kasalukuyang umuusad ang taping.
"Ang kukulit ng mga gamogamong 'to, di ko sila masigawan bilang ongoing at mabigat ang eksena ni Lolong at Elsie 🤣✌🏻
"Haaayy, napagod akooo! Di ako makatiliii, di ba Erika?!!! Takip takip ko pa tenga ko kase nga sabi ni Erika sa tenga daw pumapasok mga gamogamo, totoo po ba yon? 😝🫶🏻✌🏻," pagpapatuloy niya.
Samantala, malapit nang mabuo ang pamilya ni Lolong (Ruru Madrid).
Natagpuan na niya si Elsie (Shaira Diaz) na inakala niyang patay na. Nakilala na rin niya ang kanyang anak na si Mimay (Sienna Stevens). Pero tila may kulang pa para tuluyang makumpleto ang mag-anak.
Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.