GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, saludo sa kanyang co-stars sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published June 9, 2025 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Saludo si Ruru Madrid sa co-stars niyang patuloy na lumalaban sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Malaki ang pasasalamat ni primetime action hero Ruru Madrid sa co-stars niya sa Lolong: Pangil ng Maynila.

Para kay Ruru, ang pagpupursigi ng mga ito ang susi sa tagumpay ng pangalawang season ng serye.

"I'm very, very grateful. Masasabi ko na iba po ito doon sa success na nakuha po namin noong season 1. Dito sa season 2, it's not just about the ratings, the numbers," lahad niya sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

"For me, ang totoong success nito ay doon sa mga moments na lumalaban kami kahit na mahirap yung mga pinagdadaanan namin, sa mga moments na natuto kami kung ano ba 'yung mga dapat naming gawin, sa mga moments na nanaig ang pagmamahal namin sa mga ginagawa namin at pagtutulungan ng bawat isa," pagpapatuloy niya.

Masaya rin daw si Ruru na mas tumibay pa ang personal at professional relationships niya sa mga co-stars niya.

"Para sa akin, 'yun 'yung totoong tagumpay--'yung nabuong relationship ng proyekto po na ito," bahagi niya.

Samantala, mas nagiging exciting pa ang kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila.

Nasa kamay na nina Dona (Jean Garcia) at Ivan (Martin del Rosario) si Elsie (Shaira Diaz) na nakatakda nang manganak.

Matapos magpalakas muli, handa na si Lolong (Ruru Madrid) na muling makaharap ang mga mortal niyang kaaway para mabawi ang kanyang pamilya.

Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.