
Non-stop ang action at drama sa nalalapit na heroic season finale ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Muli nang haharapin ni Lolong, played by primetime action hero Ruru Madrid, ang mortal niyang kalaban na si Ivan, karakter naman ng award-winning Kapuso actor na si Martin del Rosario.
Ayon kay Martin, makukuha ng mga karakter ang mga nararapat sa kanila sa pagtatapos ng serye.
"Sa dami ng kasamaan na ginawa ni Ivan dito, ang dami nang nagagalit sa'kin sa social media. Itong week na 'to, mawi-witness n'yo 'yung deserve na ending para kay Ivan. 'Pag pinanood n'yo, matutuwa kayo sa mangyayari," bahagi niya.
Pangako din niyang kagigiliwan ng mga manonood ang pagsasara ng kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila.
"Satisfying ending. Napakaganda ng katapusan para sa mga kontrabida ni Lolong--kay Dona (Jean Garcia), kay Ivan," lahad ni Martin.
Huwag bibitaw sa heroic season finale ng Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.
SILIPIN ANG HULING ARAW NG TAPING NG LOLONG: PANGIL NG MAYNILA DITO: