Ruru Madrid, Martin del Rosario, at Paul Salas, ibibida ang Filipino martial arts sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

Puspusan ang training ng cast ng upcoming series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Bilang paghahanda para sa pangalawang season ng dambuhalang adventure serye na Lolong, sumalang sa training para sa Filipino martials arts si primetime action hero Ruru Madrid, at co-stars na sina Paul Salas at Martin del Rosario.
Natutunan nila ang iba't ibang paraan ng paggamit ng arnis, baston, bangkaw, palakol, itak, punyal, at karambit sa ilalim ng paggabay ng Filipino martial arts trainer na si Ronnie Royce "Lakan" Base.
Payo ni Lakan sa tatlo na bigyan ng oras ang practice para mas maging makatotohanan ang action at fight scenes ng serye.
Ang traning session na ito rin ang nagsilbing bonding nina Ruru, Paul, at Martin bago sila sumabak sa pangmalakasang bakbakan sa primetime.
Abangan sila sa dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong dito:
Samantala, silipin ang Filipino martial arts traning nina Ruru Madrid, Paul Salas, at Martin del Rosario sa eksklusibong gallery na ito:






