Hitik sa aksiyon ang pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most-watched TV show na Lolong: Bayani ng Bayan.
Isa sa mga dapat abangan dito ang malaki at maaksiyong eksena sa bus kung saan ipagtatanggol ni Lolong ang taumbayan mula sa mga masasamang loob.
Talagang pinaghandaan ni primetime action hero Ruru Madrid ang kanyang mga eksena niya rito.
"Every punch, every fall, and every choreographed move--it's never easy, but the challenge fuels me. Being back in action for Lolong reminds me why I love what I do. It's not just about the fight scenes; it's about the discipline, grit, and passion that make it all worth it. ," sulat ni Ruru sa Instagram.
Iniaaalay raw niya ang serye para sa mga manonood, lalo na sa mga bata.
"More than anything, I do this to inspire--to show our viewers, fellow Filipinos, and the younger generation that with hard work and determination, we can overcome any challenge. Let's keep pushing limits and chasing our dreams, one step at a time," lahad niya.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong
Samantala, narito ang munting pasilip sa kaabang-abang at maaksiyong bus scene sa Lolong: Bayani ng Bayan.
Nagbabalik si Ruru Madrid bilang si Lolong, isang Atubaw na protektor na ngayon ng bayan Tumahan.
Anong gulo kaya ang dala sa serye nina Michael Roy Jornales, Rob Sy, Pancho Magno, at Marcus Madrigal?
Kasama sina Chai Fonacier, Rubi Rubi, Inah Evans, Via Antonio, Shaira Diaz, Karenina Haniel, at Tanya Gomez sa makapigil-hiningang eksena sa bus.
Ready na ring magpakitang-gilas ang child stars na sina Ryrie Sophia, Aljon Banaira, at Drey Lampago.
Dapat ding abangan ang kulit na dala ng mga karakter nina Jan Marini at Gerard Pizarras.
Lubos na pinaghandaan ni Ruru ang action scenes niya.
Isang malaking challenge pa rin daw kay Ruru ang paggawa ng sarili niyang stunts.
Proud siya sa nabuo niyang disiplina tuwing gumagawa ng ganitong klaseng mga proyekto.
Nais ni Ruru na maging inspirasyon ng mga batang manonood ng Lolong: Bayani ng Bayan.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.