Nakapag-bonding na kaagad ang cast ng pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong: Bayani ng Bayan.
Nagsama-sama sila sa isang studio para sa kanilang publicity photo shoot.
Pagkakataon itong makilala ang isa't isa bago sila sumabak sa ilang linggo ng taping ng mabibigat at maaaksiyong mga eksena.
Narito ang exclusive behind-the-scenes look sa publicity shoot ng Lolong: Bayani ng Bayan.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.
Handa na si primetime action hero Ruru Madrid sa pagbabalik niya sa telebisyon.
Makakapares muli ni Ruru si Shaira Diaz na magbabalik bilang si Elsie.
Sinilip nina Ruru at Shaira ang mga litrato nila.
Ipinamalas na kaagad ni Shaira ang husay niya sa pag-iyak.
Nakakaintriga ang bihis ni Jean Garcia na magbabalik bilang Dona Banson.
Ang cute naman nina Drey Lampago at Rochelle Pangilinan!
Level up na rin si Mikoy Morales bilang best friend ni Lolong na si Bokyo.
Nag-selfie muna sina Bernadette Allyson at Alma Concepcion.
Isang natatanging pagganap na naman ang dapat abangan mula kay John Arcilla.
Isa si Rocco Nacino sa mga bagong miyembro ng cast.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan ang unang regular series ni Nikki Valdez sa GMA Network.
Kalaban ba o kakampi ang magiging role ni Victor Neri?
Masaya sina Nonie Buencamino at Martin del Rosario na muling magkatrabaho matapos maging co-stars sa isang pelikula noong 2014.
Napatawa ni Leo Martinez ang lahat ng tao sa shoot.
Cuteness overload naman ang hatid ni Ryrie Sophia sa serye.