Ruru Madrid, pinatunayan ang dedikasyon sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'

GMA Logo Ruru Madrid

Photo Inside Page


Photos

Ruru Madrid



Malapit nang mapanood ang pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong: Bayani ng Bayan.


All-out para dito si primetime action hero Ruru Madrid na nagbabalik para muling bigyang-buhay ang karakter ni Lolong, isang lalaking may pambihirang lakas at kakayanang pagalingin ang kanyang sarili.

Magiging tagapagtanggol siya ng bayan ng Tumahan kasama ang kaibigan niyang si Dakila, isang dambuhalang buwaya.

Sa teaser na inilabas ng programa, ipinamalas ni Ruru ang ilang fighting moves niya habang inuulan ng tubig mula sa iba't ibang direksiyon.

Talagang nilabanan niya ang lamig at hindi inalintana ang pagkakababad sa tubig para sa shoot na ito, patunay sa dedikasyon ng Sparkle actor.


Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 2025 sa GMA Prime.

Samantala, narito ang exclusive behind-the-scenes look sa teaser shoot ni Ruru Madrid para sa Lolong: Bayani ng Bayan.


Ruru Madrid
Lolong
Filipino martial arts
Push ups
Stretching
Mood
Check
Happy
Practice
Lolong: Bayani ng Bayan

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo