GMA Logo

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ang pangalawang season ng dambuhalang adventure serye na Lolong.

Nagpapatuloy dito ang kuwento ni Lolong at ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa tahimik na bayan ng Tumahan.

Kasama ang dambuhalang buwaya na si Dakila, sisikapin ni Lolong na panatiliin ang kapayapaan sa Tumahan, lalo na sa pagitan ng mga tao at ng mga Atubaw--ang lahing kinabibilangan niya.

Pero isang matinding kalaban ang mananatiling nakatago mula sa mga mata ng taumbayan habang unti-unting ipinaparamdam ang kanyang kapangyarihan.

Kaakibat nito ang isa pang nagbabadyang panganib dahil mawawala sa pangangalaga ng mga Atubaw ang Ubtao, isang hiyas na sagrado sa kanilang lahi at may kakayanang makapagpagaling ng iba't ibang mga karamdaman.

Sa paghananap ni Lolong sa Ubtao, marami siyang makikilalang bagong mga kakampi at marami ring magiging bagong mga kaaway.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay produksiyon ng GMA Public Affairs sa ilalim ng Program Managers na sina Mark Anthony Norella at Jaypril Jaring, at executive producers na sina Marco Marcelo, Gemma Gonzaga, Rich Culianan, at Ronald Ramido.

Sina Jessie Villabrile at Ceres Barrios ang headwriters ng serye, katuwang ang writers na sina Mario Banzon, Aeious Asin, Benjie Mique, Riza del Rio, Clar Navarro, at Alvin Astudillo.

Sina King Marc Baco at Rommel Penesa ang magsisilbing mga direktor ng serye.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng kuwento ng number one adventure serye sa Philippine primetime sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Balikan ang unang season ng Lolong dito: Lolong Season 1
 

TV Inside


TV Index Page


Lolong: Bayani ng Bayan




Lolong 2: Weekly Marathon (June 9 - 13, 2025)
Ang pagsagip ni Julio kay Lolong! #shorts | Lolong 2
Lolong 2: Ang pagbagsak ng pamilya Banson! (Finale Episode 102)
Lolong 2: Ang kabayaran sa mga kasamaan! (Finale Episode 102)
Lolong 2: Happy Birthday, Mimay at Butchoy! (Finale Episode 102)