GMA Logo bea alonzo
What's on TV

Bea Alonzo, wala sa isip ang pakikipagbalikan sa ex-boyfriends

By Marah Ruiz
Published September 24, 2023 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - February 8, 2026 | NCAA Season 101
#BasyangPH leaves 5 people dead in Iligan

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Ibinahagi ni Bea Alonzo ang kanyang opinyon kung sakaling matulad siya sa kanyang 'Love Before Sunrise' character.

Magsisimula na ang bagong romance drama series na Love Before Sunrise sa Lunes, September 25. Ito ay pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.

Gaganap sila rito bilang ex-lovers na muling magkikita matapos ang maraming taon.

Dahil pareho silang may panghihinayang, sasariwain nila ang ilang magagandang alaala at susubukang sagutin ang ilang "what ifs" ng naudlot nilang relasyon.

Kung si Bea at Dennis kaya ang malagay sa ganitong sitwasyon, bibigyan pa kaya nila ng second chance ang isang ex-partner na nagbabalik?

"Unang una kasi, as me, as Bea, hindi naman ako magpapakasal tao na hindi ko kayang bigyan ng whole commitment ko. So siguro hindi mangyayari sa akin ['yan]. Sana hindi naman ako subukan ni Lord, pero sa tingin ko, hindi ko na rin hahayaan 'yung sarili ko pagdaanan pa 'yun because I'm fully committed to this person," simpleng sagot ni Bea.

Ayon naman kay Dennis, "Siguro tatanungin ko [ang sarili ko] kung worth it pa ba kung iri-risk ko 'to. Kung talagang mahal ko siguro siya, kung 'yun 'yung magpapaligaya sa akin, baka ita-try ko. Pero kung hindi naman, magiging sakit lang siya sa ulo, 'di ko na lang gagawin."

NARITO ANG EXCLUSIVE FIRST LOOK SA MGA KARAKTER NINA DENNIS TRILLO AT BEA ALONZO SA LOVE BEFORE SUNRISE:

Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sikumstansiya ng kanilang mga buhay.

Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon, babalikan nila ang mga "what if" ng naudlot nilang relasyon.

Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

Abangan ang world television premiere ng Love Before Sunrise, September 25, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m.

Stream on Viu anytime, anywhere starting September 23.