
“Ako hindi ako masyado nag-e-expect talaga e sa mga bagay.”
Sa ganiyang paraan inilarwan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang nararamdaman tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa romance-drama series nila ni Bea Alonzo na Love Before Sunrise.
Sa interview ng dalawa sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV noong Biyernes, November 24, inamin naman nina Bea at Dennis na masaya sila sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang serye.
Ibinahagi ni Bea na masaya siya sa reception ng mga tao sa kanilang serye, ngunit sinabi rin nito na “bonus” na lang 'pag na-appreciate ito ng mga manonood.
“First and foremost, I think 'yung drive or 'yung inspiration na nanggagaling sa ganda ng materyal na ginagawa mo so I'm very happy na nire-receive siya ng maayos ng mga tao,” sabi ng aktres.
Para naman kay Dennis ay hindi siya nag-e-expect sa kahit anong bagay dahil gusto lang niya i-enjoy ang kaniyang trabaho.
“Ayokong ma-pressure, dahil dun sa magiging expectations din ng mga tao so para maiwasan 'yung ganun, ine-enjoy ko 'yung trabaho so 'pag pinanood siya ng mga tao at nagustuhan, tulad nga ng sabi ni Bea, bonus na lang 'yun,” ani ng aktor.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA STORYCON NG LOVE BEFORE SUNRISE DITO:
Isang linya mula sa serye ang tumatak sa mga manonood at iyon ay “Pagod na tayong dalawa.” Nang tanungin sina Bea at Dennis kung nakaka-relate ba sila sa linyang ito, ang sagot nila, “Oo.”
Paliwanag ni Bea, “I'm sure lahat naman tayo parang may ganun e, parang may pinagdadaanan sa buhay that we can get tired of, something na parang cycle lang ba sa buhay natin, paulit-ulit nating pinagdadaanan hangga't hindi tayo natututo. I guess it goes well with dun sa characterization ko.”
Dagdag pa ng aktres ay nakakuha rin siya ng inspirasyon sa linyang iyon mula sa sarili niyang pagod habang nagshu-shoot.
Nag-iwan naman si Dennis ng words of wisdom tungkol sa pagiging pagod, at sinabing hindi dapat sumuko lalo na para ma-abot ang pangarap.
“Ang importante diyan, kahit gaano ka pa kapagod, 'pag gusto mo talaga 'yung isang bagay, dapat 'wag ka talaga susuko kasi gusto mo 'yun e, kailangan gawin mo lahat para matupad 'yung goal mo, kung ano 'yung gusto mo talaga makuha,” sabi ng aktor.
Panoorin ang buong interview nila dito: