
Aminado ang Sparkle star at isa sa mga aktor ng romance drama series na Love Before Sunrise na si Cheska Fausto na mas uunahin niya ang kaniyang career kaysa love life--sa ngayon.
Sa interview nila ng co-actor na si Dennis Trillo sa GMA Regional TV morning show na At Home with GMA Regional TV, ibinahagi ni Cheska kung bakit mas pipiliin niya ang career kaysa sa love life.
“Well, as a human being naman po, kailangan natin ' yung pagmamahal. Pero ngayon kasi, sa edad ko at sa sitwasyon ng buhay ko, siguro uunahin ko muna ' yung career ko talaga,” sabi ng aktres.
Dagdag pa niya, “At the end of the day, ito 'yung pangarap ko, ito 'yung gusto ko, at ito 'yung makakatulong sa'kin eventually in the future.”
Ibinahagi rin ni Cheska ang paniniwala niyang darating ang pag-ibig “at the right time with the right person.”
Ngunit pahayag ni Dennis sa sinabi ni Cheska, “Kasama niya 'yung love niya dun sa career niya kaya suwerte.”
Samantala, ibinahagi naman ni Dennis sa parehong interview kung gaano siya ka-honored and grateful na makatrabaho uli si Bea Alonzo sa serye nilang Love Before Sunrise matapos ang 20 years.
Para sa Kapuso Drama King, “masaya at magical” ang makatrabaho si Bea Alonzo na hindi niya inaasahang makakatrabaho uli.
“Nakakatuwa na makita ko siya ulit, lalo na makatrabaho, and matuto sa magagandang experience din niya sa trabaho,” pagbabahagi ni Dennis.
Dagdag pa ng aktor, “natututunan ko ' yun everyday, every taping day at masaya makatrabaho ang isang Bea Alonzo kaya very honored and grateful.”
Panoorin ang buong interview nina Cheska at Dennis dito: