
Ipapalabas na simula January 15 ang inaabangang GMA drama series na Love. Die. Repeat. na isa sa mga unang handog ng Kapuso network sa Bagong Taon.
Mapapanood ang serye weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream. Ipapalabas din ito sa oras na 10:50 p.m. sa GTV.
Tampok sa Love. Die. Repeat. si Ultimate Star Jennylyn Mercado na makakatambal si Xian Lim sa unang pagkakataon sa serye.
Gaganap sila rito bilang mag-asawang Angela at Bernard.
Iikot ang kuwento ng Love. Die. Repeat. kay Angela na namatayan ng asawa dahil sa isang car accident matapos lamang ang kanilang first wedding anniversary
Isang araw matapos ang trahedya, magigising si Angela na makakaramdam ng deja vu hanggang sa mapagtatanto niyang naipit siya sa isang time loop kung kailan pumanaw ang kanyang mister.
Mapapanood din sa Love. Die. Repeat. sina Valeen Montenegro, Mike Tan, Valerie Concepcion, Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Malou De Guzman, Shyr Valdez, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, at Victor Anastacio.
Mula ito sa direksyon nina Jerry Sineneng and Irene Villamor.
Samantala, kasabay ng world premiere ng Love. Die. Repeat., ipapalabas na rin sa January 15 ang GMA Telebabad series na Asawa ng Asawa Ko na pagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez.