GMA Logo Xian Lim
What's on TV

Xian Lim, binalikan ang isa sa pinakamahirap na eksena sa 'Love. Die. Repeat.'

By Marah Ruiz
Published February 1, 2024 1:31 PM PHT
Updated February 1, 2024 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim


Alamin kung anong eksena ang isa sa pinakamahirap para kay Xian Lim sa 'Love. Die. Repeat.'

Lubos na na-challenge ang aktor na si Xian Lim sa iba't ibang mga eksena na GMA Prime suspense drama series na Love. Die. Repeat.

Binalikan ng aktor ang isa sa pinakamahirap niyang ginawa para dito.

Napili niya ang aksidente ng kanyang karakter na si Bernard na napanood sa mga unang episodes ng serye.

Matatandaang paulit-ulit na maaksidente at mamamatay si Bernard dahil nasa isang time loop sila ng kanyang asawa ni Angela, karakter naman ni Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Ginunita ni Xian ang maraming challenges na hinarap nila sa pagkuha ng eksenang ito na inabot ng tatlong araw bago nakumpleto.

"Lalagyan ako ng dugo every take ng bangga. Ang pinakamahirap po doon is 'yung tatanggalin 'yung dugo tapos siyempre magmamantsa siya sa balat. 'Yun lang 'yung nakakatagal, kaya tumagal po ng ganoon," bahagi ng aktor.

"Maraming beses po naming inulit. Isa 'yun sa masasabi namin na pinaka-challenging dahil aside from ulit-ulit, mainit din po 'yung panahon, mainit 'yung sasakyan. Mga outside forces--kung umuulan man kailangan namin tumigil o simulong. Kung hindi man, dirediretso lang. Ganoon po siya, mahirap po siya," pagpapatuloy niya.

Ayon naman sa isa sa series directors na si Jerry Lopez Sineneng, naging maingat sila sa mga detalye ng eksena.

"The beautiful thing about this po is nasa script na 'yung mga pagbabago sa bawat time loop na magaganap. We just had to take care. Talagang sobrang binantayan 'yung mga detalye kasi nga every loop may nababago, gaya noong napapansin natin na may naiiba. Ako, first time ekong mag-direct ng ganitong klaseng show. Challenging, nakaka nerbiyos din noong una," lahad ni direk.


Sa ikatlong linggo ng Love. Die. Repeat., maililigtas na ni Angela si Bernard mula sa kamatayan pero marami pang paulit-ulit na pagkakamali ang haharapin nila.

Patuloy na tumutok sa Love. Die. Repeat., Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.