What's on TV

Love. Die. Repeat.: Angela, huli na ang pantsi-chix ni Bernard

By Jansen Ramos
Published February 21, 2024 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and xian lim in love die repeat


Sa episode ng GMA Prime series na 'Love. Die. Repeat.' noong February 20, inamin ni Bernard kay Angela na may nangyari sa kanila ng kanyang babae.

Patindi nang patindi ang mga tagpo sa Love. Die. Repeat. dahil sa mga pinag-uusapang eksena ng suspende drama series sa gabi.

Sa episode ng GMA Prime series noong Martes, February 20, nahuli na ni Angela (Jennylyn Mercado) ang pambabae ng kanyang asawang si Bernard (Xian Lim).

Naging tulay ang bartender na hinire ng ama ni Angela na si Danilo (Nonie Buencamino) para sa anniversary party ng kanyang mga magulang.

Narinig ng kaibigan ni Angela na si Jessie (Ina Feleo) ang usapan ni Bernard at ng bartender na nagbanggit tungkol sa "chix" ni Bernard.

Hindi kinunsinti ni Jessie ang panloloko ni Bernard kaya sinabi niya ito kay Angela.

Kinuha naman ni Angela ang detalye ng bartender sa kanyang ama at pinuntahan sa pinagtatrabahuhan nitong bar kung saan nakita ng bartender si Bernard na sinundo si Chloe (Valeen Montenegro).

Doon na patunayan ni Angela na may babae si Bernard nang makita niya ang kanyang asawa sa CCTV na may kasamang babae pero hindi lang kita ang mukha nito.

Kinompronta naman ni Angela ang mister pero nagsinungaling na naman ito sa katauhan ng babae.

Sinabi ni Bernard na hindi niya kilala ang babae dahil nakita niya lang ito sa bar.

Tinanong naman ni Angela kung may nangyari sa kanila ng babae na tinugunan naman ni Bernard.

Paano kung hindi pa mismo kay Bernard malaman ni Angela na ang kaibigan nitong si Chloe ang babae ng una?

Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

May replay naman ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.