
Patindi nang patindi ang mga tagpo sa Love. Die. Repeat. dahil sa mga pinag-uusapang eksena ng suspense drama series sa gabi.
Sa nakaraang linggo ng GMA Prime series, inamin ni Chloe (Valeen Montenegro) sa harap mismo nina Angela (Jennylyn Mercado) at Bernard (Xian Lim) na buntis din siya.
Pinaniniwalaan ni Chloe na si Bernard ang ama ng kanyang dinadala pero hindi kumbinsido ang huli dahil naging kabit ang babae ni Jerome (Ervic Vijandre).
Nakumpirma naman ni Angela na baog si Jerome nang tawagan niya ang asawa nitong si Dianne (Faye Lorenzo). Nabuntis lamang ang huli dahil sa isang sperm donor.
Hindi pa man nakaka-recover si Angela mula sa pambabae ni Bernard, nadagdagan na naman ng pasakit sa kanyang dibdib, kaya minabuti niyang putulin na ang ugnayan nila ni Bernard alang-alang sa magiging anak nito at ni Chloe.
Umalis na rin si Angela sa bahay nila ni Bernard at nagpasyang manirahan sa labas ng Maynila.
Tuluyan na ba ang paghihiwalay nina Angela at Bernard?
Subaybayan sa huling tatlong linggo ng Love. Die. Repeat. na mapapanood weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.
Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.
May replay naman ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.
Mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor.
NARITO ANG IBA PANG NAKAKAGIGIL NA EKSENA SA SERYE.