
Nagsimula na ang pagpapalabas ng all-new episodes ng GMA primetime series na Love Of My Life.
Sa episode nito noong Martes, February 16, pinilit pa rin ni Isabella (Coney Reyes) si Nikolai (MIkael Daez) na pakasalan ang nabuntis nitong si Kelly (Rhian Ramos) kahit nagmatigas ang binata.
Panenermon ang inabot ni Nikolai mula sa kanyang ina pero naging matuwid siya sa kanyang prinsipyo dahil sa kanyang paniniwalang hindi sagot ang pagpapakasal sa gusot nila ni Kelly.
Alam ni Kelly na hindi siya papakasalan ni Nikolai kaya labis ang kanyang tampo sa binata.
Gusto niyang lumaki ang kanyang anak na may maayos na pamilya kaya naman gagawa siya ng paraan para mapalapit muli kay Nikolai.
Samantala, kampi si Adelle kay Nikolai dahil hindi rin siya sang-ayon sa pagpapakasal ng kanyang bayaw kay Kelly dahil lamang nabuntis niya ito.
Sa palagay ng kaibigan ni Adelle na si Joyce (Vaness Del Moral) ay mas malalim pang dahilan kung bakit sinusuportahan nito ang desisyon ni Nikolai.
Pakiwari ni Joyce ay may pagtingin na rin si Adelle kay Nikolai. In denial lang ang kanyang kaibigan sa kanyang nararamdaman dahil kapatid ng binata ang yumaong asawa ni Adelle na si Stefano (Tom Rodriguez).
Unang umere sa telebisyon ang Love Of My Life noong February 2020. Matapos ang isang buwan, nahinto ang pagpapalabas ng serye dahil natigil ang produksyon nito sanhi ng enhanced community quarantine.
Nakabalik ang Love Of My Life noong December 2020 sa telebisyon matapos sumailalim ng cast, staff, at crew nito sa lock-in taping na tumagal nang ilang linggo. Narito ang ilang larawan mula sa kanilang closed group shoot:
Bilang refresher, muling ipinalabas ang mga dating episodes Love Of My Life sa loob ng 15 araw.
Ipinalabas naman ang all-new episodes ng primetime series simula noong January 18.
Patuloy na subaybayan ang Love Of My Life Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng serye, maaaring mapanood ang Love Of My Life at ibang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Ang Love Of My Life ay pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Ms. Coney Reyes.