IN PHOTOS: Meet the cast of 'Love You Stranger'

Simula June 6, mapapanood na sa GMA Telebabad ang mystery-romance series na 'Love You Stranger' na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Iikot ang istorya ng 'Love You Stranger' sa alamat ng Lilom na kilalang-kilala sa bayan ng Sta. Castela.
Si Gabbi ang gaganap na LJ, isang mabuting anak na nag-aalaga sa ina niyang si Lorraine (Andrea Del Rosario). Hindi lumalabas ng bahay si Lorraine dahil sa takot niya sa dilm at anino.
Simula noon, naging interesado si LJ na malaman ang katotoohanan sa likod ng misteryong karamdaman ni Lorraine kaya naman nang malaman niyang mayroong pelikulang gagawin sa Sta. Castela ang binatang direktor na si Ben (Khalil) ay agad siyang sasali dito bilang production designer.
Malutas kaya nina LJ at Ben ang sikreto ng Sta. Castela?
Bukod kina Gabbi at Khalil, kilalanin ang iba pa nilang makakasama sa 'Love You Stranger' sa gallery na ito.

















