
Nakatanggap ng papuri ang Sparkle stars na sina Lexi Gonzales at Kim de Leon mula kay Gabbi Garcia na kanilang co-star sa mystery-romance series ng GMA Public Affairs na Love You Stranger.
Kauna-unahang teleserye nina Lexi at Kim ang Love You Stranger ngunit nakita na agad ni Gabbi ang kanilang dedikasyon sa trabaho.
Ani Gabbi, "So much potential at napakabait na mga artista. Ang galing nila lalo na't first series nila 'to na primetime, hindi ko na-feel at all na una nilang show 'to."
"Magaling silang aktor at magaling silang makisama, ['yun ang importante doon, 'yung] pakikisama."
Sa Love You Stranger, gumaganap si Gabbi bilang ang production designer na si LJ samantalang ang mga karakter naman nina Lexi at Kim na sina Coleen at Diego ang bibida sa pelikulang Lilom.
Mapapanood ang Love You Stranger, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Bolera.
Naka-live streaming din ito sa GMANetwork.com at sa Facebook pages at Youtube channels ng GMA Network at GMA Public Affairs.
Sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang Love You Stranger sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang dito (www.gmapinoytv.com) para sa iba pang detalye.
Samantala, kilalanin ang iba pang mga karakter ng Love You Stranger dito: