
Aminado ang aktres na si Gabbi Garcia na may iba rin siyang nararamdaman sa set ng mystery-romance series ng GMA Public Affairs na Love You Stranger.
Umiikot kasi ang kuwento ng Love You Stranger kung paano tutuklasin ng mga karakter nina Gabbi at Khalil Ramos ang misteryo ng bayan ng Sta. Castela.
Ayon kay Gabbi, minsan ay nanghihingi siya ng "take two" dahil kinikilabutan rin siya sa bahay kung saan sila nag-shoot.
"From the very beginning, that house, specifically that house, may pagka-eerie talaga siya," pag-amin ni Gabbi sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
"[May eksena na] nasa labas kami ng bahay tapos papasok ako ng bahay. E, 'yung cameras and 'yung crew nasa labas ng bahay kasi doon ako kukunan tapos mag-e-end ako dapat sa loob ng bahay.
"E, walang tao sa loob ng bahay. 'Pagpasok ko, black out talaga, as in, black out talaga. Hindi ko kinaya lumabas talaga ako ng bahay, nagpa-take two talaga ako."
@gmapublicaffairs Hala! Ang scary! 😱 #EntertainmentNewsPH #SocialNewsPH #NewsPH #LoveYouStranger ♬ original sound - GMA Public Affairs
Mapapanood ang Love You Stranger, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Bolera.
May live streaming ito sa GMANetwork.com, GMA Network Facebook page, at sa GMA Network YouTube Channel.
Samantala, kilalanin ang iba pang kasama nina Gabbi at Khalil sa Love You Stranger dito: