GMA Logo

Perfect na sana ang relationship ng magkapatid na sina Raffy at Sam kaso ang problema, nagkataong na-in love sila sa iisang "the one!" 

Very protective si Raffy sa kaniyang younger sister na si Sam kaya naman noong nalaman niyang dine-date nito si Jake na much older sa kaniya, bantay-sarado na ito sa kaniya.

Pero kaya naman ganito si Ate Raffy ay dahil may pinaghuhugutan pala! Iniwan kasi siya ng kaniyang long-time boyfriend na si Theo kaya ang tingin niya sa lahat ng lalaki ay manloloko.

Sa kakabantay sa kapatid, Raffy ended up seeing the value of Jake. Habang tumatagal, nakikilala niya nang husto ito hanggang sa nahuhulog na rin siya rito.

Kung akala n'yo ay dito na nagtatapos ang nakaka-kiliting love triangle nina Raffy, Sam at Jake, puwes, lalo pa kayong maloloka kapag pumasok na sa eksena ang ex-fiancee ni Jake na si Lianne.

Threat ang tingin ng mag-ate kay Lianne kaya't pagseselosan nila ito. Jake and Lianne remained best of friends din kasi matapos maghiwalay that's why people around them think na magkakabalikan sila.

Paano kaya ito makaka-apekto sa relasyon ng magkapatid na sina Raffy at Sam?

At kung ikaw si Raffy, na sobrang devoted sa family, sino sa dalawa ang pipiliin mo? 

Kakayanin mo bang pagbigyan ang iyong nakababatang kapatid?

Mag-decide ka na ngayon sa Love You Two.

TV Inside


TV Index Page


Love You Two




Love Month Stories 2023: A young lady and a grown man go on a date?!
Love Month Stories 2023: A brokenhearted woman becomes a man-hater!
Love Month Stories 2023: From 'she said yes' to 'we need a break'?!
Love Month Stories 2023: When your long-term girlfriend gives hints for a proposal
Love You Two: Full Episode 104