
Hindi raw maiwasang matulala ni Yasser Marta kapag tinititigan si Optimum Star Claudine Barretto sa set ng pinakabagong collaborations series ng GMA Network at Regal Entertainment, ang Lovers/Liars.
Sa naganap na media conference ng Lovers/Liars noong Miyerkules (November 15), ibinahagi ni Yasser ang saya at pasasalamat na mapabilang sa Lovers/Liars at mabigyan ng pagkakataon na makapareha ang beteranang aktres.
Sa Lovers/Liars, makikilala si Yasser bilang Caloy Marasigan, na magkakaroon ng secret affair sa boss ng kompanyang pinapasukan niya--si Via Laurente, na gagampanan ni Claudine. Muli rin niyang makakatambal dito si Shaira Diaz, na gaganap bilang Nika Aquino, ang kanyang TOTGA.
"Sobra po akong natutuwa talaga," sabi ni Yasser. "Actually... ang dami kong nararamdaman. Kinakabahan ako, pinapawisan [ang] kilikili ko, 'yung mga kamay ko, tapos kinikilig ako.
"Sobrang laki pong achievement, syempre, to be paired with Ms. Claudine, sobra po akong nagpapasalamat."
Nagbigay naman ng reaksyon si Claudine nang malamang natutulala sa kanya si Yasser.
"Natutuwa ako kasi alam ko 'yung feeling when I was starting tapos may mga makakaharap ka na beteranong aktres o malalaking artista, talagang nakaka-starstruck, nakakanerbyos. Kaya I make sure to make them feel comfortable, lalo pa kasi 'yung mga eksena namin ni Yasser lagi akong masungit," sabi ni Claudine.
Dagdag niya, "Pero nakita ko 'yung talent agad sa kanya. For some reasons, sa dami siguro ng mga nakatrabaho kong magagaling na artista, like what I said, nakita ko talaga na [mayroon] siyang talent talaga, 'yung magaling s'ya talaga. Lahat nga sila, like what I said, malayo talaga ang mararating."
Nagpasalamat naman si Yasser sa papuring natanggap mula sa aktres, "Thank you Ms. [Claudine]."
Makakasama rin nilang bibida sa Lovers/Liars sina Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, at Lianne Valentin.
Abangan si Yasser Marta sa Lovers/Liars simula November 20, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG LOVERS/LIARS SA GALLERY NA ITO: