
May bagong isini-ship ang netizens mula sa primetime series na Lovers & Liars.
Marami ang naaaliw at talaga namang kinikilig sa mga eksena nina Lianne Valentin at Kimson Tan sa nasabing serye.
Sa triple-plot drama series, napapanood si Lianne bilang Hannah Salalac, isang sugar baby ng mayamang businessman na si Victor (Christian Vazquez). Iibig siya kay Kelvin Chong, ginagampanan ni Kimson, na nangakong bibigyan siya ng magandang buhay.
Panoorin ang ilan sa kanilang mga eksena sa ibaba:
@gmanetwork #LoversLiars #highlights: ♬ original sound - GMA Network
@gmanetwork #LoversLiars #highlights ♬ original sound - GMA Network
Patuloy ang pagbibigay kilig nina Lianne at Kimson hindi lang sa serye kung hindi maging sa kanilang mga TikTok videos.
Tulad na lamang ng pagsayaw nila sa kantang "Lihim" ni Arthur Miguel na agad na umani ng mahigit 339,000 views sa loob lamang ng 20 oras.
@kimsontann Ang Ganda mo Hannah 🙈 Hi mga #LiaSon ❤️ #fyp #KimsonTan #loversliars ♬ Lihim - Marky
Kilig din ang hatid ng TikTok video na ito nina Kimson at Lianne habang nasa loob ng sasakyan at background music ang kantang "Kisame." Caption ni Kimson, "Pwedeng sa 'yo na lang ako Hannah?"
@kimsontann Pwedeng sayo nalang ako Hannah? @Lianne Valentin 🙈 #fyp #KimsonTan #liannevalentin #loversliars #LiaSon ♬ original sound - K
Komento ng netizen na si Jennylyn Mangampo, "Panindigan n'yo 'yung kilig ko! Nang aano kayo d'yan."
"Teka lang hinay-hinay @kimsontann @liannevalentin nakakakilig eh panindigan n'yo 'to charz," sabi naman ni Leonny Hope Rafael.
"Hala! Bagong love team," dagdag ni TaDaShi hAmAdA.
"New love team, LianSon," sulat ni Joyce Galario.
Patuloy na subaybayan sina Lianne at Kimson sa Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: