Here's what happened at the 'Lovers/Liars' media conference

Masasaksihan na ang matapang na pagbabalik ng nag-iisang Optimum Star Claudine Barretto sa pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment, ang Lovers/Liars.
Simula November 20, mapapanood na sa GMA Telebabad ang tatlong kuwento ng pag-ibig na nababalot ng sikreto at kasinungalingan. Mula ito sa likha nina Jose Javier Reyes at Noreen Capili at sumasailalim sa direksyon ni Direk Crisanto Aquino.
Bukod kay Claudine, pagbibidahan ang nonconventional triple-plot drama series na ito nina Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vazquez, at Lianne Valentin. Makakasama rin nila sa serye sina Marnie Lapuz at Dj JhaiHo.
Kilalanin ang mga bumubuo sa Lovers/Liars sa naganap nilang media conference noong Miyerkules, November 15 sa gallery na ito:


















