

Marami ang nagulat sa pagkalas ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera kay Popoy Caritativo, ang kanyang talent manager for seven years.
Last April 26, present sa press conference na ipinatawag ng Triple A, ang bagong management team ni Marian, ang Startalk TX, at sa nasabing event ay ibinahagi niya ang big announcement.
"Alam ko nagulat kayo, effective noong isang araw pa. Siguro bumabalik lang ako sa kung saan ako nagmula," pambungad ni Marian sa mga naimbitahang press people.
Dinaan daw ni Marian sa isang sulat ang kanyang pagpapaalam. "Nagbigay ako ng letter sa kanya. Lahat ng saloobin ko, lahat ng mga hindi niya nalalaman tungkol sa akin. Sinabi ko lahat 'yun sa sulat. So doon nagsimula. After the sulat, nag-text siya sa akin. 'Marian, na-receive ko 'yung letter mo. Kung 'yan ang desisyon mo, rerespetuhin ko 'yan'."
"Actually hiniling niya na gusto niya ako makausap. Pero sabi ko kasi, 'Poy, medyo hindi ko pa kayang humarap sa'yo kasi siyempre mahirap din para sa akin kasi seven years kami nagkaroon ng samahan. Siguro in time, hindi ko sinasarado ang pintuan ko, in time, ako mismo ang makikipag-usap sa kanya, at kasama ko diyan si Tatay [Tony Tuviera] na makikipag-usap sa kanya."
Si Tony Tuviera ang big boss ng Triple A, na president and CEO din ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga. Sa mga afternoon soaps ng TAPE Inc. gaya ng Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Agawin Mo Man Ang Lahat at Pinakamamahal unang nabigyan ng break si Marian.
Inusisa din ng press ang dahilan sa kanyang tila biglaang desisyon. "Mas mabuti na maghiwalay na kami, at hindi na nagiging productive ang relationship namin bilang talent sa manager, at bilang kaibigan. Siguro ang pinaka-isa sa mga dahilan ko ay ngayon, magagawa ko na ang lahat ng mga ninanais kong gawin sa buhay ko na ako ang nagdesisyon para sa sarili ko."
Marian also cleared the issue na problema sa pera ang pinag-ugatan ng kanyang pagpalit ng manager. "Ay naku 'yung mga ganyang topic, pera, kontrata, commercials, ayokong pag-usapan ang lahat ng 'yan. Ang pangit lang sabihin na kaya nga ako nagtatrabaho because of money. Hindi ko rin masisisi si Popoy kasi nanggaling nga ako sa probinsya, walang alam. Siguro nasanay lang na siya 'yung nagde-decide ng lahat ng bagay [para] sa akin."
Suportado naman daw siya ng kanyang pamilya at ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes. "Una kong sinabi ang desisyon ko sa pamilya ko. Of course, after niyan, nag-open up ako kay Dong. At in fairness kay Dong, ang sabi lang niya sa akin, 'ikaw, kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo na feeling mo mas makakabuti para sa'yo bilang tao, bilang artista, gawin mo 'yan. Nasa likod mo ako."
Ano naman kaya ang inaasahan niya sa bagong mangangalaga ng kanyang career?
"Sa Triple A under kay Mr. T, isa lang ang sinabi nila sa akin: Ikaw ang boss namin. Ikaw ang nagpapasusuweldo sa amin. Ikaw ang masusunod sa gusto mong gawin," notes Marian. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com