
Nakatanggap ng suporta at blessing ang tambalan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara mula sa actor-host na si Dingdong Dantes para sa pagsisimula ng kanilang bagong kilig series sa GMA na Love At First Read.
Ang nasabing serye kasi ang hahalili sa game show na Family Feud kung saan host si Dingdong habang ito ay naka-season break ngayon.
Sa media conference ng Love At First Read, tinanong ng press ang MavLine kung may kaba ba silang nararamdaman na sila ay magpapakilig sa dating time slot ng game show bago ang news program na 24 Oras.
Sagot naman ni Kyline, “Definitely may kaba and actually tinanong po namin si Kuya Dong (Dingdong Dantes) siyempre magkaiba pong shows e, variety and serye, so tinanong po namin siya kung anong dapat gawin, and sabi niya, 'Maganda naman 'yung story niyo so just keep on promoting.'”
Sa kabila ng pressure, kumpiyansa naman si Kyline na magiging matagumpay ang first-ever Kapuso series nila ni Mavy as lead stars.
Aniya, “Sobra po 'yung kaba namin pero I am manifesting na magiging successful po ang Love At First Read dahil napakaganda po ng cast, napakaganda po ng istorya namin, napakagaling po ng mga direktor namin, ng production, ng crew, ng writers namin, so no doubt.”
“Sana po maramdaman ng bawat Kapuso na manonood sa amin 'yung good vibes and 'yung kilig na nararamdaman ng buong cast on and off cam,” anang aktres.
Dagdag naman ni Mavy, “We're not afraid because I know we put up a beautiful show and it was an honor working with each and every one of you kaya alam ko na excitement lang 'yung nararamdaman ko because we have something beautiful that the Kapuso are going to see in the near future and Kuya Dong thank you sa blessing mo.”
Abangan ang pagsisimula ng Love At First Read kasama sina Mavy at Kyline bilang sina Kudos at Angelica, ngayong Lunes, June 12, 5:40 p.m. bago ang 24 Oras.
Panoorin ang full trailer ng Love At First Read sa video na ito:
BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: