
Mainit ang naging pagtanggap ng maraming manonood sa newest kilig series ng GMA na Love At First Read na pinagbibidahan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Sa katunayan, tumabo ng mataas na TV ratings ang nasabing serye sa mga unang gabi pa lamang nito.
Base sa inilabas na preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings kamakailan, nakakuha ang Love At First Read ng 7.4 percent TV ratings sa pilot episode nito, Lunes, January 16.
Higit na mas mataas ito kumpara sa ratings ng mga katapat nitong programa sa ibang TV stations. Nagtuloy-tuloy pa ang mataas na ratings na ito sa mga sumunod pang episode.
Bukod dito, panalo rin sa online world ang nasabing series partikular na sa short-video streaming app na TikTok.
Sa nasabing platform ay umabot sa halos 2 million views ang isang episode highlight tampok ang pagtatanggol ni Kudos (Mavy Legaspi) kay Angelica (Kyline Alcantara) sa harap ng kanilang schoolmates.
Ang Love At First Read ay ang first-ever Kapuso series together as lead stars nina Mavy at Kyline na television adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo.
Ito rin ang second installment sa Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.
Patuloy naman na panoorin sina Mavy at Kyline sa GMA sa Love At First Read, gabi-gabi bago ang 24 Oras.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS SA TAPING NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: