GMA Logo Love At First Read cast
What's on TV

'Love At First Read' cast, pinasaya ang kanilang fans sa San Juan City

By Jimboy Napoles
Published June 30, 2023 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks private sector to help bridge digital gap faced by Pinoy learners
8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Love At First Read cast


Tuloy-tuloy ang pagpapasaya ng 'Love At First Read' cast mapa-TV man o fan event!

Excited na bumisita ang lead cast ng GMA kilig series na Love At First Read sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City nitong Huwebes, June 29, upang magpasaya ng kanilang fans sa pangunguna ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Kasama ng tambalang MavLine ang iba pang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Bruce Roeland, Mariel Pamintuan, at Larkin Castor.

Sa Facebook page ni San Juan City Mayor Francis Zamora, ibinahagi niya ang video ng naging pagbisita ng Love At First Read cast kung saan iba't ibang palaro para sa fans ang kanilang isinagawa.


Maging ang cast, nag-enjoy rin na makasama ang kanilang mga tagasuporta. Bukod pa rito, inanayahan din nina Mavy, Kyline, Therese, Bruce, Mariel, at Larkin ang kanilang fans na patuloy na panoorin ang Love at First Read gabi-gabi sa GMA na ngayon ay nasa ikatlong linggo na.

Ang Love At First Read ay ang first-ever Kapuso series together as lead stars nina Mavy at Kyline na television adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo.

Ito rin ang second installment sa Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.

Patuloy naman na panoorin ang Love At First Read, Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras.

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS SA TAPING NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: