LOOK: Behind the scenes of 'Luv is: Caught in His Arms'

Love has a new meaning sa pinakabagong kilig serye ng GMA na Luv is: Caught in His Arms.
Ang nasabing series ay ang first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios na TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na "Caught in his Arms."
Ito ay pinagbibidahan ng isa sa mga pinag-uusapang Kapuso love team ngayon --- ang Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala rin bilang Team Jolly ng kanilang fans.
Kasamang naghahatid ng kilig sa series ang newest Kapuso heartthrobs at Sparkada's hottest bachelors na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Ipinakilala rin dito sina Sparkle artists Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos at Kirsten Gonzales. Parte rin ng serye ang social media star na si Rain Matienzo.
Nagbibigay din ng saya sa naturang kilig serye ang ilan sa mga batikang aktor ng industriya kabilang na sina Ariel Ureta, Audie Gemora, Debraliz Valasote, Gio Alvarez, Boom Labrusca, at Denise Joaquin.
Silipin ang masayang behind-the-scenes ng Luv is: Caught in His Arms sa gallery na ito:

















































